205 biyahe kanselado kay Ruby

MANILA, Philippines - Nasa 205 biyahe ng mga eroplanong patungong probinsiya at mga international flights ang nakansela kahapon dahil sa bagyong Ruby.

Ayon kay Connie Bungad, tagapagsalita ng Manila International Airport Authority (MIAA), ang mga international flight na kinansela ang biyahe ay ang patungong Singapore, Osaka, Kuala Lumpur, Macau, Incheon at Shanghai.

Gayunman, ayon kay Bungad ang domestic flights sa NAIA terminal 2 ay 40 ang cancelled flights, sa terminal 3 may 112 naman ang nakansela at sa NAIA Terminal 4 ay 32.

Sinabi ni Bungad ang mga nabalam na mga pasahero ay puwedeng makipag-ugnayan sa mga airlines na kanilang sasakyan para muli silang mai-rebooked.

 

Show comments