^

Bansa

Supply ng pagkain, sapat kahit may bagyo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sapat ang suplay ng pagkain sa bansa laluna sa darating na Kapaskuhan kahit na nanalanta sa sektor ng agrikultura ang bagyong Ruby partikular sa Region 8 sa Visayas at region 5 sa Bicol, ayon kay Agriculture Sec. Proceso Alcala.

Sinabi ni Sec. Alcala, hindi naapektuhan ni bagyong Ruby ang mga palayan sa bansa partikular sa naturang mga rehiyon na sinalanta ng naturang bagyo dahil bago pa man manalasa ang bagyo ay nakapag harvest na ng mga palay ang mga farmers.

Hindi rin anya naapek­tuhan ng naturang bagyo ang mga hayupan laluna ang mga manukan laluna ang region 4 A na pangunahing supplier ng manok.

“Sapat ang suplay ng ating mga pagkain laluna ng palay, mga manok at mga alagang hayop tulad ng baboy dahil nakapaghanda tayo sa pagdating ng bagyong Ruby, maagang nag-anihan at nai safe natin ang mga hayupan kaya walang dahilan para kulangin tayo sa suplay,” paliwanag ni Alcala.

Bunga anya nito, wa­lang dahilan para ma­na­mantala ang mga mag­titinda ng naturang mga produkto at walang magaganap na pagtaas ng presyo ng mga pagkain. Safe din anya ang Benguet at iba pang mga probinsiya na producers ng mga gulay kayat wala ding magaganap na taas ng presyo ng mga gulay.

 

AGRICULTURE SEC

ALCALA

BENGUET

BICOL

BUNGA

KAPASKUHAN

PROCESO ALCALA

SAPAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with