MANILA, Philippines – Tinatayang lalapit sa Metro Manila ang bagyong “Ruby” mamayang gabi sa paghampas nito sa kalupaan ng Northern Mindoro.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 70 kilometro hilaga-silangan ng Romblon, Romblon o 60 kilometro timog-silangan ng Torrijos, Marinduque kaninang alas-7 ng umaga.
Humina si Ruby na taglay ngayon ang lakas na 120 kilometers per hour at bugsong aabot sa 150 kph, habang gumagalaw sa bilis na 10 kph.
Nagbabala ang PAGASA sa paglapit ni Ruby sa Metro Manila habang pag-landfall nito sa pangatlong pagkakataon mamaya sa pagitan ng alas-6 at alas-8 ng umaga.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 3
Burias Island
Marinduque
Romblon
Oriental Mindoro
Occidental Mindoro
Batangas
Laguna
Cavite
Southern Quezon
Lubang Island
Signal no. 2
Masbate
Ticao Island
Calamian Group of Islands Bulacan
Bataan
Northern Quezon
Rizal
Camarines Sur
Camarines Norte
Metro Manila
Semirara Island
Aklan
Capiz
Signal no. 1
Albay
Sorsogon
Polillo Island
Zambales
Nueva Ecija
Tarlac
Pampanga
Catanduanes
Northern Palawan including Cuyo
Northern Samar
Iloilo
Antique
Biliran
Bantayan Island
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Huwebes ng umaga.