Klase sa MM, ilang lalawigan suspendido ngayon

MANILA, Philippines - Suspendido na ang klase sa Metro Manila at ilang lalawigan ngayong Lunes bunsod ng bagyong Ruby.

Batay sa anunsiyo ng Department of Education, walang klase sa pre-school hanggang high school sa Caloocan City sa Dis. 8 habang suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga lungsod ng Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, pasig, Pateros, QC, San Juan, Taguig, Valenzuela at Maynila.

Dalawang araw namang suspendido ang klase (Dec. 8-9) sa lahat ng antas sa Cavite, base na rin sa abiso sa kanila ni Cavite Gov. Jonvic Remulla.

Sa Quezon province ay wala namang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas ngayong araw lamang ng Lunes, gayundin sa Batangas, Cebu, Laguna, Rizal, Romblon, Oriental Mindoro, Camarines Sur at Camarines Norte.

Kinansela na rin ng DepEd ang pasok sa Elementarya at High School sa Coron, Culion at Busuanga na probinsiya ng Palawan ngayong araw.

Samantala, bahagyang humina ang typhoon Ruby matapos na muling mag-landfall sa Masbate.

Ayon kay Anthoy Lucero, weather forecaster, taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging umaabot sa 140 kilometer per hour (kph) mula sa 160 kph, habang ang bugso ng hangin ay bumaba din sa 170 kph mula sa 195 kph.

Patuloy anyang gumagalaw ang bagyo sa kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Sabi ni Lucero, sa sandaling ang track ng typhoon ay umabot sa southern Luzon asahan na ang pagbugso-bugsong hangin na may pag-ulan sa Metro Manila. 

 

Show comments