Mga magsing-irog nagpakasal na bago ang landfall ni Ruby

MANILA, Philippines - Nagpakasal na ang ilang mga magsing-irog sa Leyte at Eastern Samar bago pa man mag-landfall dito ang bagyong Ruby.

Ito ang ipinarating na ulat kahapon ni Energy Secretary Jericho Petilla sa tanggapan ng Office of Civil Defense (OCD) matapos nitong mabalitaan ang pagpapakasal ng ilang magkasintahan.

Si Petilla ay dating lokal na opisyal sa Leyte at maraming mga kamag-anak na local executives sa Eastern Samar. Ang Kalihim ay kabilang sa pinakilos ni PNoy para sa pagtugon sa mga residenteng direktang maapektuhan ng sentro ng bagyong Ruby.

Ayon kay Petilla, matapos ang panic buying ng mga residente sa Eastern Samar at Leyte ay nagdesisyon na ring magpaka­sal ng maaga ang ilang mga magkasintahan sa lalawigan.

Noong pananalasa ng bagyong Yolanda ay isang magkasintahan sa Brgy. Anibong, Tacloban City na nakatakda na sanang ikasal ang nasawi matapos na madaganan ng barkong tinangay at ipinadpad ng super bagyo sa kanilang komunidad noong Nob. 8, 2013. (Joy Cantos)

 

Show comments