PNoy di gagayahin si CGMA
MANILA, Philippines - Walang planong gayahin ni Pangulong Aquino si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2016.
Sinabi ng Pangulo sa open forum ng 28th annual Bulong Pulungan sa Sofitel Hotel, ang gagawin niya sa pagtatapos ng kanyang termino sa June 2016 ay magpapahinga siya kasama ang kanyang Gabinete.
Aniya, wala siyang planong tumakbo sa anumang elective position sa pagbaba niya sa tungkulin bagkus ay plano niyang magsulat ng libro tungkol sa kanyang mga karanasan bilang punong ehekutibo ng bansa.
Magugunita na si Mrs. Arroyo ay tumakbong kongresista sa Pampanga sa pagtatapos ng kanyang termino bilang chief executive noong 2010.
“After 2016 I think the foremost on my mind, together with my Cabinet, is to take at least a year break and recharge and recover from all the tensions, turmoil, concerns over the past 6 years by that time. So I think I will try to look for a means to serve in another capacity rather than elective office,” giit pa ng Pangulo.(Rudy Andal)
- Latest