^

Bansa

Salceda, 2014 TOFIL Awardee ng JCI Senate

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines — Napili ng Junior Chamber International (JCI) Philippines si Albay Gov. Joey Salceda bilang isa sa tatlong tatanggap ng 2014 The Outstanding Filipino (TOFIL) Awards nito. Ang parangal sa gubernador ay sa larangan ng “exemplary public service.”

Nasa ika-26 na taon na ngayon, ang TOFIL Awards ay taunang proyekto ng JCI Senate sa pakikipag-ugnayan sa Insular Life. Iginagawad ito sa mga taong ang malikhaing mga gawain ay malaki ang naitutulong sa pambalanang kabutihan at pagsulong ng kanilang propesyon. Kasama sa ilang ginawaran na ng parangal na ito ang mga pangalang Jaime Cardinal Sin, Lorenzo Tanada, Jovito Salonga atbp.

Ayon sa JCI, ang mga TOFIL awardees ay pinipili din batay sa mahusay at matuwid nilang pagkatao, at ang bunga ng kanilang mga nagawa sa pagsulong ng bansa at kabutihan ng lalong nakararami.

Kasama sa pinagbatayan sa pagkakapili kay Salceda bilang 2014 TOFIL awardee ang kanyang tagumpay na mapagkaisa ang mga Albayano tungo sa mahusay nilang pagtupad sa UN Millennium Develop­ment Goals (MDGs), climate change adaptation (CCA), environmental promotion, disaster risk reduction (DRR)” at makabuluhang mga programang pangkalusugan, pang-edukasyon, pang-agrikultura at pang-turismo.

Igagawad ang parangal kina Salceda, Gemma Cruz Araneta at Francis Kong sa ika-29 ng Enero 2015, sa Tanghalang Haribon, Insular Life Corporate City sa Alabang, Muntinlupa City.

 

ALBAY GOV

FRANCIS KONG

GEMMA CRUZ ARANETA

INSULAR LIFE

INSULAR LIFE CORPORATE CITY

JAIME CARDINAL SIN

JOEY SALCEDA

JOVITO SALONGA

JUNIOR CHAMBER INTERNATIONAL

KASAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with