Breast Care Centers itatayo

MANILA, Philippines - Inihain ni Las Piñas Congressman Mark A. Villar sa Kongreso ang isang panukalang-batas para sa pagtatayo ng mga Breast Care Center sa bawat rehiyon sa buong Pilipinas.

Sa House Bill 5202 na isinampa ni Villar, itatatag sa bansa ang mga Breast Care Centers na nakakabit sa mga regional hospitals upang pangunahan ang laban sa breast cancer.

Ang mga Center na ito ay gagawa ng mga programa laban sa breast cancer gaya ng proteksyon, pagmamatyag, breast imaging, dyagnosis as operasyon, at chemotherapy. Ang mga programang ito ay gagawing abot-kaya sa mga mamamayan ang paggamot sa nasabing sakit. Ang mga Center din ang mamumuno ng mga programa para sa pagkabatid at pag-iwas sa breast cancer.

Isinulong ni Villar ang panukala dahil ang Pilipinas ay tinaguriang may pinakamataas na kaso ng breast cancer sa buong Asya. Mahigit kumulang 3 sa 100 Pinay sa ilalim ng 75 edad ang magkakaroon ng breast cancer.

Sa kasamaang-pa­lad, ang Pilipinas din ang may pinakamababang kaso ng mga babaeng nalagpasan ang laban sa breast cancer.

 

Show comments