Signal no. 2 itinaas kay Ruby

MANILA, Philippines - Lumakas pa habang papalapit sa kalupaan ng Pilipinas ang bagyong Ruby (international name “Hagupit” dahilan para isailalim na sa signal number 2 ang buong Eastern Visayas o Region 8 at ilang lugar sa Mindanao. 

Huling namataan ang bagyo sa layong 720 km silangan ng Surigao City taglay ang lakas ng ha­nging nasa 205 km bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong nasa 240 km bawat oras.

Nakataas ang signal no. 2 sa mga lalawigan ng Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Siargao Island at Dinagat Island.

Signal no. 1 naman sa Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate kasama ang Ticao Island, Northern Cebu kasama ang Bantayan Island at Camotes Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Bohol.

Nagbabala ang Pag­asa ng 3-4 metrong storm surge mula sa karagatan. Katumbas ito ng taas ng isang palapag na gusali.

Sinabi ni Chris Perez, weather specialist ng Pagasa na may 75 percent ang tsansang mag-landfall si Ruby sa eastern Visayas sa da­rating na Sabado mula sa 60 percent probability ng pag-landfall nito.

 

Show comments