MANILA, Philippines – Nagtapos na kahapon ang 21 araw na quarantine sa 133 Pinoy peacekeepers mula Liberia.
Ayon kay AFP chief of Public Affairs Office Lt. Col. Harold Cabunoc, umalis na sa Caballo Island ang mga peacekeepers na sinundo ng barko ng Philippine Navy bandang alas-12 ng tanghali.
Sa 133 peacekeepers na sumailalim sa quarantine sa Caballo Island, 132 lang ang babalik dahil naka-confine pa ang isa sa AFP Medical Center matapos magka-hypertension. Kahit tapos na ang quarantine, sasailalim pa rin sa final routine medical checkup ang mga ito pero wala na itong kinalaman sa Ebola.
Sakaling may lagnatin pa sa isa sa mga ito, ihihiwalay muli ito para masuring mabuti.
Sa Huwebes isasagawa ang pagbibigay-parangal sa mga peacekeeper.