PWDs libre na sa VAT
MANILA, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang maglilibre sa mga persons with disabilities (PWDs) sa pagbabayad ng Value Added Tax o VAT sa ilang bilihin at serbisyo.
Ang House bill 1039 ay consolidated version ng panukala nina Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Pasay Rep. Imelda Calixto-Rubiano. Aamyendahan ng panukala ang Magna Carta for Persons with Disability.
Nakasaad sa panukala na magiging exempted sa pagbabayad ng VAT ang mga PWDs para sa medical at dental services, pagbili ng gamot sa lahat ng drugstores, pasahe sa tren o MRT at LRT gayundin sa bus, bayad sa Skyway pati sa mga sinehan, carnival, hotels, restaurants at iba pang recreation centers.
- Latest