5 survivor ng Bohol quake makakasalo ng Santo Papa

MANILA, Philippines – Limang nakaligtas sa malakas na lindol sa Bohol nitong nakaraang taon ang napiling makasalo sa tanghalian ng Santo Papa, ayon sa isang opisyal ng simbahang Katolika.

Sinabi ni Reverend Father Felix Warli Salise, director ng Diocese of Tagbiliran-Social Action Center, na sila mismo ng mga kura paroko ang namili ng mga makakasalo ng Santo Papa sa kanyang pagbisita sa bansa sa Enero.

Dagdag niya na ibabahagi ng mga survivor sa Santo Papa ang kanilang naranasan nang yumanig ang 7.2 magnitude na lindol na ikinasawi ng daan-daang katao.

"Yung... experience niya like yung malapit na mamamatay, naputulan ng paa, naputulan ng kamay. Yun isa, siya na lang naiwan lahat patay. Yung mga ganun," paliwanag ni Fr. Salise sa Radyo Veritas kung ano ang ibabahagi ng mga survivor.

Sinabi pa ni Salise na hindi nila pangangalanan ang mga survivor para narin aniya sa kaligtasan nila.

Bukod sa mga survivor ng lindol, 20 survivor din ng supertyphoon Yolanda ang makakasalo ng Santo Papa sa Enero 17, 2015.

Show comments