MANILA, Philippines – Bukas na ang pintuan ng Social Security System (SSS) para sa lahat ng kasambahay at iba pang domestic workers na nais maging miyembro ng SSS.
Ito ay ayon sa SSS ay bilang pagtalima ng ahensiya sa ipinatutupad na kasambahay Law (RA 20361) na layong mabigyan ng proteksiyon at bigyan ng kaukulang benepisyo ang mga nabanggit.
Bukod sa SSS registrants, tatanggap din ng aplikasyon para sa mga kasambahay na magpaparehistro sa PhilHealth at Pag-IBIG tuwing weekends o tuwing sabado at linggo sa mga piling malls sa bansa.
Oras na maging miembro ang naturang mga domestic workers ay may pagkakataon na silang makakuha ng mga benepisyo sa SSS tulad ng sickness, maternity,disability, retirement at death benefits bukod pa sa maaari itong makapangutang sa ahensiya.
Ang mga malls na tatanggap ng registration sa SSS, Philhealth at Pag Ibig ay matatagpuan sa SM Molino, SM Rosales, SM Sta Mesa, SM Lucena at SM Bacoor mula December 6 hanggang December 14 o araw ng sabado at linggo ng buwang kasalukuyan.