MANILA, Philippines – Kinumpiska ng Bureau of Corrections (BUCor) sa isinagagawang malawakang inspeksiyon sa loob New Bilibid (NBP) ang ibat’ibang communication gadgets at apat na pakete ng marijuana.
Batay sa ipinarating na ulat ni BuCor Director Franklin Bucayu kay Justice Secretary Leila de Lima, kabilang pa sa mga nakumpiska ng Security Patrol Response Unit ng NBP ang 11 signal booster; 4 booster chargers; 46 aluminum outdoor antennas; 14 plastic outdoor antennas; 4 na wifi “my bro”; 9 repeaters; 5 rolyo ng electrical wires; isang splitter; at isang distributor.
Binabaybay na ngayon ang mga wiring upang matunton kung saang selda patungo ang mga communication gadget at makumpirma kung sinu-sino ang gumagamit nito.
Nabatid na ang nasamsam namang mga dahon ng marijuana ay nakita naman sa parcel ng isang freight forwarder na inaalam pa kung sino ang recipient.
Samantala, magpapatupad naman ng balasahan ang BuCor sa lahat ng mga kulungan na nasa ilalim ng pangangasiwa nito.