MANILA, Philippines – Isinulong ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo ang panukalang batas na magtataas sa sahod ng mga teachers sa P30,000 kada buwan kahit gaano pa sila katagal sa serbisyo.
Ikinalungkot ni Rep. Castelo ang sobrang baba ng sweldo na tinatanggap ng mga guro sa bansa.
“The extent and complexity of our public school teachers’ work are inerrable. Their profession entails a lot of sacrifice and self-denial, yet they are underpaid and undervalued,” paliwanag pa ni Castelo na kilala bilang taga-suporta ng edukasyon sa bansa
Batid ni Castelo na ang pagtuturo ay nangangailangan ng lubos na pasensiya at pagtitiyaga. Sinabi rin ni Castelo na ang trabaho ng mga guro ay hindi lamang sa loob ng silid-aralan kundi pati na rin sa labas nito.
Ang panukalang batas ni Castelo ay base sa constitutional provisions kung saan binibigyan ng pinakamataas na prayoridad sa pondo ang edukasyon.
Siniguro rin ng solon na hahatakin ng propesyon sa pagtuturo ang tamang parte nito sa pinakamainam na talento sa pamamagitan ng sapat na sweldo at iba pang paraan upang makuntento at maligaya sa trabaho ang mga teacher.
Sa House Bill 5188, ang lahat ng public elementary at high school teachers, bago man o matagal na sa serbisyo ay tatanggap ng P30,000 basic monthly salary.
Ang pondo para sa salary increase ay isasama sa budget ng Department of Education (DepEd) sa kada fiscal year.
Bukod sa pagsusulong ng kapakanan ng mga guro, abala si Castelo sa pangangalaga sa mga pangangailangan ng mga mahihirap na estudyante sa Quezon City.