MANILA, Philippines – Magpapatupad bukas, Disyembre 1, ng bawas-presyo sa Liquified Petroleum Gas (LPG) ang oil firm na Petron Corporation.
Nabatid na aabot sa P1.20 kada kilo ang itatapyas sa Gasul at Fiesta Gas na may katumbas na P13.20 kada tangke na tumitimbang ng 11 kilogram na epektibo alas-12:01 ng madaling araw ng Lunes.
Bukod sa cooking gas, magbabawas din ng halagang P0.65 kada litro sa Xtend Auto LPG ang Petron.
Ayon kay Raffy Ledesma, Strategic Communication ng Petron, ang bawas presyo ay base la mang sa panibagong pagbaba ng contract price sa pandaigdigang pamilihan.
Inaasahan naman na susunod din ang mga ilang oil companies sa pinatupad na bawas presyo.
Huling nagbaba ng presyo sa LPG ang mga kumpanya ng langis nitong Oktubre 2.