^

Bansa

Bitay sa rape bubuhayin ni Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na buhayin ang parusang bitay particular sa mga rapists.

Sa Senate Bill 2462 na inihain ni Sen. Santiago nais nitong amiyendahan at palakasin ang Anti-Rape Law of 1997 upang gawing habambuhay na pagkabilanggo hanggang death penalty ang parusa.

Sinabi ni Santiago, kapag ang rape ay nai­sagawa gamit ang isang deadly weapon o ginawa ng dalawa o mahigit pang tao, ang parusa ay “reclusion perpetua to death”.

Kung mababaliw o magkakaroon ng psycho­logical disorder ang biktima o magi­ging dahilan ang panggagahasa ng tangkang pagpapakamatay o pagkamatay ng biktima, ipapataw rin ang parusang kamatayan.

“When by reason or on the occasion of the rape, the victim has become insane or has developed a psychological disorder the penalty shall become reclusion perpetua to death. When the rape is attempted and a homicide is committed by reason or on the occasion thereof, the penalty shall be reclusion perpetua to death,” nakasaad sa panukala ni Santiago.

Ginawa ni Santiago ang panukala dahil sa ulat ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group’s Women and Children’s Protection Unit na karamihan sa mga nagiging biktima ng sexual abuse ay mga kabataan na may edad 13 hanggang 15.

Naniniwala si Santiago na kung itataas ang edad para madetermina ang statutory rape mabibigyan ng proteksiyon ang mga kabataan.

Nauna rito ilang insidente na ng pandurukot ng ilang mga kabataang babae ang naiulat na isinasagawa ng isang van kung saan nire-rape ang biktima bago pakawalan.
Samantala, kabilang sa mga senador na sumusuporta sa pagbuhay ng parusang bitay sa Senado ay si acting minority leader Vicente “Tito” Sotto III para naman sa mga krimen na may kinalaman sa ilegal na droga.

 

ANTI-RAPE LAW

GINAWA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NANINIWALA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

PROTECTION UNIT

SA SENATE BILL

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with