Legal assistance ng OFWs gawing P100M – Nancy

MANILA, Philippines - Gusto ni Sen. Nancy Binay na itaas sa P100 milyon ang P30 milyong alokasyon para sa legal assistance fund ng mga overseas Filipino workers na nakapaloob sa 2015 national budget.

Nagtataka si Binay kung bakit maliit ang budget na ibinibigay ng pamahalaan para tulu­ngan ang mga OFW na nagkakaroon ng kaso sa labas ng bansa. Hindi aniya sapat ang P30 mil­yon kahit pa idagdag ng DFA ang pondong hindi nagamit noong nakaraang taon.

Ayon sa DFA, ang halaga ng legal fees para sa isang kasong kinakaharap ng isang OFW ay may average na $10,000 o P450,000.

Sa pinakahuling pagtala noong Hunyo 2014, may 6,002 Filipino ang nakakulong sa iba’t ibang bilangguan sa labas ng bansa.

Umaabot sa 807 Filipinos ang nahaharap sa mga drug-related cases, 79 ang may kaso na may parusang kamatayan at 3,407 ang biktima ng human trafficking syndicates.

Nangangamba si Binay na hindi matutulu­ngang lahat ng gobyerno ang mga “distressed Filipinos” sa kanilang mga legal na pangangailangan dahil sa kakulangan ng pondo.

 

Show comments