MANILA, Philippines - Tinawid ng bagyong "Queenie" ang ilang bahagi ng Visayas bago ito bumalik sa karagatan ng Panay Gulf nitong Huwebes ng umaga.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay nasa 120 kilometro sa hilagang-kanluran ng Dumaguete City bandang 10 ng umaga at may taglay na lakas ng hangin na 55 kilometers per hour.
Inaasahang tutuloy sa Sulu Sea bago dumaan sa probinsya ng Palawan ngayong gabi.
Ayon sa PAGASA, inaasahan ang paglabas ng bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa Biyernes ng hapon.
Nakataas pa rin ang Signal Number 1 sa Palawan, Calamian Group of Islands, Cuyo Islands, Bohol, Southern Cebu, Negros Oriental, Southern Negros Occidental, Siquijor, Guimaras Island, Iloilo, Antique at Zamboanga del Norte.