^

Bansa

P82K tax exemption sa bonus lusot na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pasado na sa Senado ang panukalang itaas sa P82,000 ang tax exemption para sa bonus ng mga empleyado ng gobyerno at pribadong sektor.

Sa botong 14-0, ina­pru­bahan sa ikatlo at hu­ling pagbasa ang Senate Bill 2437 na nagtataas sa halaga ng hindi bubuwisan na 13th month pay at iba pang bonus mula sa kasalukuyang P30,000 at ginawang P82,000.

Nauna ng inamin ni Sen. Ralph Recto na nakiusap ang Department of Finance na huwag ipasa ngayong taon ang panukala dahil makakaapekto ito sa tax collection ng buwis ngayong taon.

Sa orihinal na panukala, ipapako sana sa P75,000 ang tax-exemption pero iginiit ni Recto na gawin itong P82,000 matapos aminin na rin ni Bureau of Internal Re­venue Commissioner Kim Henares na ang halaga ng P30,000 noong 1994 ay katumbas na ngayon ng P82,000.

Ipinaliwanag naman ni Sen. Sonny Angara, co-author ng SB 4237 na noong unang maisabatas ang P30,000 tax ceiling noong 1994, ang basic salary ng isang empleyado ng gobyerno ay nasa P3,800 lamang samantalang ang Presidente ng Pilipinas ay P25,000.

Napapanahon na aniya para amiyendahan ang batas matapos ang 20 taon dahil iba na ang halaga ng piso sanhi ng inflation.

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL RE

COMMISSIONER KIM HENARES

DEPARTMENT OF FINANCE

IPINALIWANAG

NAPAPANAHON

NAUNA

RALPH RECTO

SENATE BILL

SONNY ANGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with