MANILA, Philippines – Isinailalim sa public storm warning signal ang 20 lugar sa Visayas at Mindanao matapos maging tuluyang bagyo ang isang low pressure area malapit sa Mindanao.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong “Queenie” 210 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur bandang alas-10 ng umaga.
Taglay ni "Queenie" ang lakas na 45 kilometro kada oras habang gumagalaw sa bilis na 24 kilometro kada oras.
Nakaangat ang public storm warning signal number one sa mga sumusunod na lugar:
- Southern Leyte
- Bohol
- Southern Cebu
- Southern Negros Oriental
- Southern Negros Occidental
- Siquijor
- Surigao del Norte
- Siargao Island
- Surigao del Sur
- Agusan del Norte
- Agusan del Sur
- Davao del Norte
- Davao Oriental
- Compostella Valley
- Dinagat Province
- Camiguin
- Misamis Oriental
- Misamis Occidental
- Bukidnon
- Zamboanga del Norte
Ayon sa state weather bureau, tinatayang tatama sa kalupaan ang bagyo sa Surigao del Sur mamayang hapon bago magtungo ng Northern Mindanao mamayang gabi.
Inaasahang nasa 35 km hilaga ng Dipolog City si "Queenie" bukas at sa 105 km kanluran ng Puerto Princesa sa Biyernes.