^

Bansa

GPB hinging isama sa taunang budget

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan sa Kongreso ang mga lider ng iba’t-ibang civil society organization (CSO) na pigiling makaltasan ang budget ng Grassroots Participatory Budgeting at paggawa ng batas para maging perma­nente itong bahagi ng taunang badyet ng bansa.

Ang GPB ay isang programang reporma ng admi­nistrasyong Aquino. Ipinatupad ito mula noong panahon ni yumaong dating Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo at pinalawak sa ilalim ng kasalukuyang liderato ni DILG Secretary Mar Roxas. Sinabi ni Kilos Mamamayan National Secretary Marco Polo Ferrer na, sa pamamagitan ng GPB, daang libong mamamayan na ang direktang nakinabang at patuloy na makikinabang sa iba’t-ibang programa at proyektong panlaban sa kahirapan.

“Kami ay nananawagan sa ating mga mambabatas na magpasa ng batas na gagawing bahagi ng taunang pagsasagawa ng budget ang GPB. Itong programa ay nagpaparamdam sa mamamayan na tunay silang mahalaga sa pagbabalangkas ng pondo ng pamahalaan. Ito lang ang tanging programa na may direktang kinalaman ang mamamayan kung saan sila mismo ang nagtutukoy kung ano ang kanilang kailangan upang bumuti ang kanilang kalagayan sa buhay,” sabi pa ni Ferrer. Nangangalap ng isang milyong lagda ang grupo bilang pag-suporta sa GPBP.

AQUINO

GRASSROOTS PARTICIPATORY BUDGETING

IPINATUPAD

ITONG

KILOS MAMAMAYAN NATIONAL SECRETARY MARCO POLO FERRER

KONGRESO

SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with