MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Sandiganbayan ang akusado ng pork barrel scam at detenidong si Sen. Jinggoy Estrada na sumailalim ito sa physical therapy.
Sa resolusyon ng Sandiganbayan 5th division na nilagdaan nina Justices Rolando Horado, Alexander Gesmundo at Maria Teresa Dolores para rito, pinapayagan si Estrada na lumabas ng PNP Custodial Center ng dalawang beses sa isang linggo para sa dalawang oras na therapy sa Cardinal Santos Memorial Hospital sa San Juan.
Inatasan din ng Sandiganbayan ang PNP na tiyakin ang seguridad ng nasabing senador.
Ang kautusan ay epektibo simula kahapon Nob. 25, 2014
Nakasaad din sa order ng Sandiganbayan na si Estrada ang aako sa lahat ng gastusin sa kanyang pagpapa-therapy.