MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos kung bakit naglaan ang gobyerno ng P12.9 bilyon lump sum para sa Department of Interior and Local Government (DILG) na gagamitin para sa water supply at housing projects ng mga mahihirap.
Ayon kay Marcos, sa ilalim ng local government code, may kapangyarihan ang DILG na i-supervise ang mga local government units pero hindi ang magtayo ng bahay o mag-manage ng mga housing projects para sa mga informal settlers.
Wala aniyang technical expertise sa nasabing bagay ang DILG at responsibilidad na ito ng National Housing Authority.
Kinuwestiyon din ni Marcos kung saan ginamit ng DILG ang bilyon-bilyon pisong pondo para sa mga low cost housing projects noong 2014.
Ang nasabing P12.9 bilyon ay nasa ilalim ng tinatawag na “errata” allocation para sa DILG.
Ipinunto pa ni Marcos na ang role ng DILG Secretary ay mag-supervise at hind kontrolin ang mga probinsiya, siyudad at munisipalidad.