^

Bansa

PNP: 30 hinihinalang kidnappers huli mula Enero

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot na sa 30 miyembro ng kidnap-for-ransom groups ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) simula Enero hanggang ngayong buwan.

Ayon kay PNP-AKG chief Senior Superintendent Rene Aspera, kabilang sa mga naaaresto ay si Tyrone dela Cruz at kanyang kinakasamang si Jean Loise Bitoy. Naaresto ang dalawa noong Nobyembre 7 sa Barangay Bahi, Alburquerque, Bohol.

Hinihinalang sangkot si Dela Cruz sa anim na kaso ng kidnapping sa Kamaynilaan at Timog Katagalugan.

Kasama rin sa 30 naaresto si Reccinte Padillo, lider ng grupong sangkot umano sa kidnapping ni Sally Chua noong Hulyo 5, 2013 sa Quezon City.

Naaresto si Padillo noong Oktubre 16 sa Pasay City.

BARANGAY BAHI

DELA CRUZ

JEAN LOISE BITOY

NAARESTO

PASAY CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-ANTI-KIDNAPPING GROUP

QUEZON CITY

RECCINTE PADILLO

SALLY CHUA

SENIOR SUPERINTENDENT RENE ASPERA

TIMOG KATAGALUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with