Sa Pacman vs Algieri no ceasefire sa Sayyaf – AFP
MANILA, Philippines – Walang ipatutupad na ceasefire ang tropa ng militar na tumutugis sa mga bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu at Basilan kahit pa may inihandang free viewing ang AFP sa mga kampo ng militar para sa boxing match ni Manny “Pacman” Pacquiao kontra American boxer Chris Algieri ngayong araw sa Macau, China.
Ito ang inihayag kahapon ng mga military commanders sa nasabing mga lalawigan alinsunod sa direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr.
“There will be no let up in the law enforcement operations and I won’t allow the bandits to relax and watch the fight. Some of my support personnel can enjoy the live viewing at our headquarters,” pahayag ni Joint Task Group-Sulu Commander Col. Alan Arrojado.
Sa Basilan, determinado rin ang tropa ni Col. Rolando Bautista, commander ng Army’s 104th Infantry Brigade na huwag ng tantanan ang Sayyaf na sangkot sa kidnapping for ransom, ambus, pamumugot ng ulo sa mga hostages at pambobomba.
Kaugnay nito, replay na lamang ng boxing match ni Pacman ang panonoorin ni Gen. Catapang dahil kailangan nitong puntahan ang burol ni 1st Lt. Jun Corpuz sa La Union upang gawaran ito ng posthumous Gold Cross Medal. Si Corpuz ay kabilang sa anim na sundalong nasawi sa ambush ng Abu Sayyaf habang nagbabantay sa circumferential road sa Sumisip, Basilan nitong Nob. 2.
“I can always watch the replay of our Pambansang Kamao, but I could not miss the opportunity to present this award to the family of our fallen hero who made the ultimate sacrifice for the country,” ani Catapang kung saan ang parangal ay tatanggapin ng ama ni Lt. Corpuz na si Cresencio Corpuz.
Samantala naglagay din ang AFP ng free live viewing sa laban ni Pacman vs Algieri sa iba’t ibang venue ng mga military camps gayundin sa auditorium ng AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City.
Ngayon pa lamang ay nanabik na ang mga ‘battle casualties’ na sundalong naka-confine dito na libreng mapanood ang laban.
Sa Caballo Island kung saan naka-quarantine ang 133 peacekeepers na galing Liberia, handa na rin silang mapanood ang Pacman-Algieri bout.Si Pacman ay reservist Colonel sa Phil. Army.
- Latest