MANILA, Philippines - Umaabot na sa 43 ang mga kaso ng kidnapping for ransom sa bansa ngayong taon.
Sinabi ni P/Sr. Supt. Rene Aspera, chief of staff ng PNP Anti-Kidnapping Group, 21 kaso ay naganap sa Luzon, 22 sa Mindanao habang zero o wala ni isang kaso sa Visayas Region.
Nasa 19 naman ang patuloy na iniiimbestigahan.?
Sa nasabing mga insidente, hindi bababa sa lima ang kinidnap ng sindikato matapos na makita ang ‘profile’ ng mayayamang biktima sa kanilang mga Facebook account.
Walo namang organisadong grupo ng KFR gang ang tinutugis.
Ang mga kaso naman ng kidnapping sa Mindanao ay hawak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil may kaugnayan ang mga ito sa operasyon ng Abu Sayyaf Group at iba pang armadong grupo.
Sa Sulu ay nasa 9 hostages pa kabilang ang European birdwatchers na sina Ewold Horn at Leoncio Vinciguerra ang hawak pa ng mga bandido matapos dukutin noong Pebrero 2, 2002 sa Tawi-Tawi at itago sa naturang lalawigan.
Samantala nasa 66 lider at miyembro ng KFR ang naaresto kabilang rito si Tyron de la Cruz na nabitag sa Alburquerque, Bohol matapos makatakas sa kulungan.
Kabilang sa mga naresolba ang kaso ng negosyanteng Filipino-Chinese na si Sally Chua na dinukot sa Quezon City noong Hulyo 5, 2013 at nailigtas ng PNP-AKG operatives anim na araw matapos tangayin.