^

Bansa

7 ex-QC officials, 2 pa guilty sa Ozone tragedy

Ricky Tulipat, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang mga pangunahing akusado sa Ozone Disco tragedy na ikinamatay ng 162 noong Marso 1996.

Matapos ang 18 taong pag-usad ng kaso, naglabas na ng desisyon ang Sandiganbayan 5th Division laban sa mga dating opisyal ng City Engineering Office.

Kabilang sa mga guilty sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mga dating opisyal na sina Alfredo Macapugay, city engineer; Donato Rivera Jr., assistant city engineer; Edgardo Reyes, building inspector; Francisco Itliong, hepe ng Enforcement and Inspection Division; Feliciano Sagana, hepe ng Processing Division; Petronillo De Llamas, engineer; at Rolando Mamaid, building inspector.

Guilty rin ang hatol ng korte sa mga private res­pondent na sina Hermilo Ocampo at Ramon Ang, dalawa sa pitong board of directors at stockholders ng Westwood Entertainment Company Inc. na namamahala noon sa Ozone Dance Club.

Ayon sa korte, nagkaroon ng sabwatan ang mga building official at private respondents para makakuha ng building permit ang Ozone Disco para sa renovation nito.

Batay rin sa findings ng imbestigasyon, hindi nasunod ang building requirements para sa isang private establishment tulad ng disco, dahil mali ang sukat na lapad nito.

Iisa lamang din umano ang exit door ng disco, na siya ring entrance nito. Hindi rin nasunod ang safety requirements na dapat sana’y palabas ang bukas.

Mahaharap ang mga hinatulan sa anim hanggang 10 taong pagkakulong. Hindi na rin papayagang maka-upo sa public office ang mga dating opisyal.

Inabswelto naman ng anti-graft court ang apat pang direktor at stockholders ng Ozone Disco na sina Racquel Ocampo, Rosita Ku, Sunny Ku at Alfredo Chua habang hindi pa rin matunton ang akusadong si Renato Diaz.

Ayon sa Sandiganba­yan, maaari pang mag­hain ng motion for reconsideration o umapela sa Korte Suprema ang mga na­sabing akusado.

Ang Ozone Tra­gedy ang itinuturing na pinakamalalang fire tragedy sa bansa at kabilang sa 10 worst nightclub fire sa mundo.

 

ALFREDO CHUA

ALFREDO MACAPUGAY

ANG OZONE TRA

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

AYON

CITY ENGINEERING OFFICE

DONATO RIVERA JR.

OZONE DISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with