^

Bansa

Tax exemption sa bonus ‘inarbor’ ng DOF

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Inarbor” ng Department of Finance ang pagpasa ngayong taon ng panukalang itaas sa P82,000 ang tax exemption cap ng 13th month pay at iba pang bonus ng mga empleyado sa pampubliko at pribadong sektor.

Inamin nina Senate Pro Tempore Ralph Recto at Sen. Sonny Angara na hiniling ng DOF na ibitin muna ang pagpasa ng panukala upang hindi maipatupad ngayong taon.

Mula sa kasalukuyang P30,000 gagawing P82,000 ang bonus ng mga empleyado na ililibre sa buwis kaya lahat ng bonus na hindi lalampas sa P82,000 ay hindi na kailangang kaltasan ng tax.

Naipasa ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukala na makakatulong sana sa mga manggagawa pero nabitin ito sa ikatlo at huling pagbasa dahil binigyan ng prayoridad ang pagpasa ng General Appropriations Act para sa susunod na taon.

“Kung hindi ako nagkakamali, there’s a request from the executive na kung maaari wag this year at next year na,” pag-amin ni Recto.

Nang tanungin kung sino ang humiling na huwag munang ipasa ang panukala inamin ni Recto na nanggaling ang kahilingan sa DOF.

Kinumpirma naman ni Angara na malamig ang pagtanggap ng DOF sa panukala dahil sa buwis na mawa­wala sa gobyerno. Naniniwala si Angara na hindi naman masyadong malaki ang mawawala sa pama­halaan.

 

vuukle comment

ANGARA

DEPARTMENT OF FINANCE

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

INAMIN

INARBOR

KINUMPIRMA

MULA

SENATE PRO TEMPORE RALPH RECTO

SONNY ANGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with