^

Bansa

Lingguhang presscon sa Papal visit

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Linggu-linggo nang magsasagawa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng press conference para ipabatid ang mga detal­ye ng pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas sa Enero 2015.

Ayon kay Fr. Francis Lucas, executive director ng Catholic Media Network, bagama’t nailatag na ang iskedyul ng Santo Papa sa ilang araw nitong pananatili sa bansa, marami pa ring detalye ang hindi napaplantsa habang ang iba naman ay hinihintay pa ring ilabas mula sa Vatican.

“Magkakaroon kami, ‘yung media ng CBCP, ng weekly press conference or forum para hahati-hatiin ‘yung mga detalye at magtanong na kayo doon,” sabi ng pari.

Magsisimula ang lingguhang press conference ngayong Huwebes.

Enero 15, 2015 dara­ting sa bansa si Pope Francis at mananatili hanggang Enero 19.

Kasama sa mga aktibidad ng Santo Papa ay ang pagbisita sa mga sinalanta ng kalamidad, Misa sa Katedral ng Maynila, at pulong sa ilang pamilya at kabataang Pilipino.

AYON

CATHOLIC BISHOPS

CATHOLIC MEDIA NETWORK

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

ENERO

FRANCIS LUCAS

HUWEBES

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with