PNoy biyaheng Singapore

MANILA, Philippines – Muling umalis kahapon ng umaga si Pangulong Aquino kasama ang kanyang 54-man delegation upang magtungo sa Singapore para dumalo sa The World in 2015 forum.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang departure statement, aanyayahan din niya ang mga Singaporean businessmen na magnegosyo sa Pilipinas.

Nagtungo ang Pangulo sa Singapore sa paanyaya ng The Economist na isang prestigious magazine na nag-organisa ng The World in 2015 forum kung saan ay naglaan ang gobyerno ng P11.6 milyon para sa 2-araw na biyahe ni PNoy.

Makikipagpulong din ang Pangulo kina Singapore President Tony Tan Keng Yam at Prime Minister Lee Hsien Loong.

Show comments