^

Bansa

Jinggoy humirit din ng physical therapy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makaraang pagbigyan ng Sandiganbayan si Sen. Bong Revilla na makapagpatingin sa St. Lukes Hospital dahil sa iniindang sakit sa ulo, humirit din si Sen. Jinggoy Estrada sa graft court na payagan siyang sumailalim sa physical therapy sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan.

Binigyang diin ng kampo ni Estrada, kailangan nitong magpa-physical therapy sa isang well-equipped hospital kahit 2 hanggang 3 beses sa isang linggo .

Sinasabing nakakaramdam ang senador ng pana­nakit sa kanyang kaliwang balikat, bahagyang paglaki ng cervical spine at paninikip ng balikat

Reklamo rin ni Estrada ang umano’y mabagal na pagkilos ng prosekusyon sa pagpiprisinta ng testigo sa kanyang bail hearing.

Si Estrada at Revilla ay kapwa akusado sa graft at plunder kaugnay ng pork barrel scam at magkasama sa kulungan sa PNP Custodial center sa Kampo Krame.

BINIGYANG

BONG REVILLA

CARDINAL SANTOS MEDICAL CENTER

JINGGOY ESTRADA

KAMPO KRAME

MAKARAANG

REKLAMO

SAN JUAN

SI ESTRADA

ST. LUKES HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with