MANILA, Philippines - Nakatakdang isagawa bukas ng ilang mga negosyante kabilang na ang Port Users Confederation ang port summit sa layuning mapabuti pa ang mga regulasyon sa cargo handling, traffic management, customs procedures, anti-smuggling initiatives, shipping at ports development.
Ayon kay PUC Chairperson Emeritus Noemi Saludo, ang ports summit na gaganapin sa Manila Hotel bukas mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ay magbibigay ng laya at daan sa business sector gayundin sa national at city government na ilahad ang kanilang mga hinaing, problema at posibleng solusyon lalo pa’t handa naman ang mga private sector na masolusyunan ang problema.
Kabilang sa mga inaasahang magsasalita ay ang DOTC; Bureau of Customs para sa procedures at anti-smuggling; MMDA sa traffic; PPA para sa port development; ICTSI and Asia Terminals Inc., sa cargo handling; at ang Association of International Shipping Lines sa shipping regulations.?Bukas din ang Ports Summit sa Philippine Chambers of Commerce and Industry (PCCI), American, European, British, Japanese at iba pang foreign business chambers, at pangunahing grupo na apektado ng ports issues.?Kasama sina Secretary Jose Almendras, ang Ports Summit ay magbibigay ng maayos na daloy ng negosyo tungo sa pag-unlad.
“This is truly public-private partnership for ports progress,” ani PUC Chairperson Emeritus Saludo na dati ring pangulo ng PCCI. (Doris Franche-Borja)