MANILA, Philippines – Nagsampa ng kaso ang dalawang kongresista sa tanggapan ng Ombudsman laban sa mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa diumano’y sabwatan sa mga generation companies para itaas ang singil sa kuryente noong isang taon.
Kinasuhan sa OMB nina Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares at Rep. Carlos Isagani Zarate sina Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Zenaida Ducut at ang tatlo pang Commissioner ng ERC na sina Alfredo Non, Gloria Victoria Yap- Taruc at Josefina Patricia Asirit
Sabi ni Colmenares sa kanyang 12 pahinang reklamo kina Ducut at mga kasamahan nito na puro pangako na lamang ang pinaggagawa ng ERC para ilabas ang resulta ng imbestigasyon sa sabwatan ng energy sector pero hangga’t ngayon ay hindi pa nila ito inilalabas at sa tingin niya ay nagpapabaya sa tungkulin ang mga opisyal ng ERC.
Ayon kay Colmenares, tumaas ng P4.15 kilowatt hour ang singil sa kuryente sa mga consumer nito na inaprubahan naman ng ERC.