^

Bansa

Gun owners na may expired license hinikayat sa 2014 DSAS

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinikayat kahapon ng mga opisyal ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) ang mga may-ari ng baril na may delingkuwenteng lisensiya na makibahagi sa gun license caravan sa 2014 Defense & Sporting Arms Show (DSAS) na gaganapin sa Nobyembre 13 hanggang 14, 2014 sa 5th Floor Building B, SM Megamall sa Mandalu­yong City.

Ayon kay AFAD President Jethro T. Dionisio, nakikipagtulungan ang kanilang organisasyon sa Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Division (FED) upang maibsan ang backlog ng mga gun license na dapat ng i-renew.

Nitong mga nakaraang buwan, ilang lugar na sa Metro Manila ang naabot ng PNP-FED/AFAD cara­van upang magproseso ng License to Own and Possess Firearms (LTOAPF) sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan.

Naniniwala ang mga AFAD official na magandang oportunidad ang 2014 DSAS upang mag-aplay ng LTOAPF dahil ito ay dinadagsa ng libu-libong mga gun enthusiast bawat taon.

Tampok din sa apat na araw ng gun show ang mga modernong baril, bala at shooting paraphernalia.

vuukle comment

ASSOCIATION OF FIREARMS AND AMMUNITION DEALERS

FIREARMS AND EXPLOSIVES DIVISION

FLOOR BUILDING B

METRO MANILA

OWN AND POSSESS FIREARMS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT JETHRO T

SPORTING ARMS SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with