Alert level 3 sa Yemen: Mga Pinoy pinalilikas!
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy sa Yemen na magsilikas na kasabay ng tumitinding karahasan sa nasabing bansa.
Sa abiso ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, itinaas na ng DFA ang crisis situation doon sa alert level 3 (voluntary repatriation) mula sa alert level 2 (restriction phase).
Pinapayuhan ang mga Pinoy na lisanin ang Yemen sa lalong madaling-panahon.
Sa kasalukuyan, ipinatutupad ang total deployment ban at sa lahat ng pagbiyahe sa Yemen kabilang na ang mga nagbabakasyon at ang mga nagbabalik na OFWs ay hindi rin pinapayagang bumalik sa Yemen.
Nagpadala na ang Embahada ng Crisis Management Team (CMT) sa Sana’a upang maiging i-monitor ang political at security situation doon at asistehan ang Filipino community.
Hinimok ng DFA ang mga Pinoy sa Yemen na magpa-rehistro para sa repatriation ng hanggang Nobyembre 30. Maaari ring magparehistro sa pamamagitan ng pagkuha ng registration form sa website ng Philippine Embassy sa Riyadh sa www.riyadhpe.dfa.gov.ph.
- Latest