MANILA, Philippines - Umabot umano sa P862 milyon ang overpriced ng kontrobersiyal ng Makati Science High School.
Humarap kahapon sa ika-11 hearing ng Senate Blue Ribbon sub-committee si Atty. Renato Bondal ng Bondal Law Office na kabilang sa nagsampa ng reklamo kay Vice Pres. Jejomar Binay sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Bondal, ang Manila Science High School umano ang pinakamahal na high school building sa buong Pilipinas.
Sinabi ni Bondal na umabot na sa P1.3333 bilyon ang nagastos sa 10 palapag na school building at may lawak na 18,373 square meters.
Kung kukuwentahin umano ay aabot sa P72,500 per square meters ang building at ito ay 283 porsiyentong overpriced.
Dapat umano ay nasa P470 milyon lamang ang halaga ng Makati Science High School.
Paliwanag pa ni Bondal na hindi kaagad nila sinampahan ng reklamo si Binay na noo’y mayor pa ng Makati dahil kamakailan lamang inagurahan ang gusali.
Inihayag rin ni Bondal na dapat ay dormitory ang buong 8th floor ng nasabing gusali at dapat mayroon itong basement parking.