Binay 'di ulit sumipot sa Senate hearing

File photo ni Bise Presidente Jejomar Binay. Philstar.com/AJ Bolando

MANILA, Philippines – Imbis na dumalo sa pagdinig ng Senado, lumipad patungong Cebu si Bise Presidente Jejomar Binay ngayong Huwebes.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News channel, nasa Cebu ngayon si Binay upang dumalo sa panayam ng iba't ibang istasyon ng radyo bago bumisita sa Toledo City.

Inaasahan ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee si Binay upang depensahan ang kanyang sarili sa mga paratang na namumulsa siya ng pera ng bayan mula nang maupo bilang alkalde ng lungsod ng Makati.

BASAHIN: Trillanes vs Binay kasado na sa Nob. 27

Nauna nang sinabi ni Binay na dadalo lamang siya kung mayroong imbitasyon mula mismo sa Blue Ribbon Committee na kaagad naman nilang ginawa, ngunit hindi pa rin nagpakita ang Bise Presidente.

Sinabi kahapon ni Senador Antonio Trillanes na may mga bago siyang ebidensya upang madiin si Binay.

"What he does or will not do, siya ang accountable doon, si Vice President Binay," wika ni Trillanes. "Kapag hindi siya magpakita, ibig sabihin hindi mo talaga mapagkakatiwalaan itong taong ito."

Show comments