Presyo ng petrolyo tumaas

MANILA, Philippines - Dagdag presyo sa produktong petrolyo ang bumungad ngayong Martes ng umaga sa mga motorista.

Nagtaas ng P.20 kada litro ng gasolina at P.25 kada litro ng diesel ang Shell, habang P.30 naman sa kerosene ganap na alas-6 ng umaga.

Sumabay din sa oil price hike ang Total, Phoenix Petroleum at PTT Philippines sa parehong halaga para sa gasolina at diesel.

Ang pagtaas ng halaga ng petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa pandaigdigang merkado.
 

Show comments