MANILA, Philippines - Ito ang inirekomenda kahapon ni ARMM Governor Mujiv Hataman sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng pagkakapatay sa ambush sa anim na sundalo kabilang ang isang Army 2nd Lieutenant sa Sumisip, Basilan kamakalawa.
Kasabay nito, kinondena ni Hataman ang pananambang at pagkakapatay sa anim na sundalong nagsasagawa lamang ng security operations sa circumferential road project sa Brgy. Libug, Sumisip, Basilan.
Sa nasabing insidente ay kabilang sa mga nasawi si 2nd Lt. Jun Corpuz na tubong Bacnotan, La Union.
Sinabi ni Hataman na dapat maglunsad ang AFP ng all out offensive laban sa Abu Sayyaf upang matuldukan na ang kriminal na aktibidades ng nasabing mga bandido sa lalawigan.
“It is time to use the iron hand in dealing with the group because its members have victimized so many people,” pahayag ni Hataman sa isang television interview.
Bilang reaksyon, sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., na pag-aaralan na ng AFP ang rekomendasyon ni Hataman.
“Pag-aaralan natin, we cannot just say outrightly there is a need, maybe I want to talk to the people of Basilan”, ang sabi pa ni Catapang.