^

Bansa

All out offensive vs Abu Sayyaf

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ito ang inirekomenda kahapon ni ARMM Go­vernor Mujiv Hataman sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng pagkakapatay sa ambush sa anim na sundalo kabilang ang isang Army 2nd Lieute­nant sa Sumisip, Basilan kamakalawa.

Kasabay nito, kinondena ni Hataman ang pana­nambang at pagkakapatay sa anim na sundalong nagsasagawa lamang ng security operations sa circumferential road project sa Brgy. Libug, Sumisip, Basilan.

Sa nasabing insidente ay kabilang sa mga nasawi si 2nd Lt. Jun Corpuz na tubong Bacnotan, La Union.

Sinabi ni Hataman na dapat maglunsad ang AFP ng all out offensive  laban sa Abu Sayyaf upang ma­tuldukan na ang kriminal na aktibidades ng nasa­bing mga bandido sa lalawigan.

“It is time to use the iron hand in dealing with the group because its members have victimized so many people,” pahayag ni Hataman sa isang television interview.

Bilang reaksyon, si­nabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., na pag-aaralan na ng AFP ang rekomendasyon ni Hataman.

“Pag-aaralan natin, we cannot just say outrightly there is a need, maybe I want to talk to the people of Basilan”, ang sabi pa ni Catapang.

 

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BASILAN

CHIEF OF STAFF GEN

GREGORIO PIO CATAPANG JR.

HATAMAN

JUN CORPUZ

LA UNION

MUJIV HATAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with