^

Bansa

Kung ’di ka na masaya sa Gabinete, PNoy kay Binay: Puwede kang mag-resign

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

CALAMBA CITY, Laguna, Philippines—Iginiit ni Pangulong Benigno Aquino III na kung hindi na masaya si Vice-President Jejomar Binay sa pagi­ging mi­yembro ng Gabinete ay malaya naman siyang umalis dito kung sa tingin nya ay iba ang direksyong tinatahak nito.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa ambush interview kahapon matapos nitong bisitahin ang Coca-Cola FEMSA Canlubang expansion plant dito, kung sa tingin ni VP Binay ay hindi na siya ‘satisfied’ sa takbo ng administrasyon ay malaya naman siyang umalis dito bilang mi­yembro ng Gabinete.

“If he thinks the administration is wan­ting, he should advise us. He’s a member of the Cabinet. It’s not a choice, but an obligation since he’s a member of the Cabinet,” wika pa ng Pangulo sa media interview kahapon.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo, bilang housing czar naman ay wala siyang masasabi o maipipintas kay Binay dahil ginagampanan nito ang kanyang trabaho bilang miyembro ng kanyang Gabinete. Aniya, patuloy pa din ang kanyang pagtitiwala kay VP Binay sa kabila ng mga kritisismo nito sa administrasyon.

Kaugnay naman sa imbestigasyon kay Binay ng Senado, ay wala naman siyang nakikitang masama dahil dumadaan naman ito sa tamang proseso laban sa isang public official.

 “It’s a credit to the current regime that there are investigations no matter what your status is. The Vice President also deserves the presumption of innocence until proven guilty. At the present time, they are undergoing one of those processes but there are more formal processes that will have to be undertaken,” dagdag pa ni PNoy.

Sinabi pa ng Pangulo, hindi siya mag-aalok ng solusyon sa problema ni Binay dahil hindi naman siya hinihingan ng bise-presidente ng anumang advise kaugnay sa kinakaharap nitong kontrobersya sa sinasabing overpriced Makati City Parking building at ang Binay farm sa Nasugbu, Batangas.

 

BINAY

GABINETE

MAKATI CITY PARKING

NAMAN

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SINABI

VICE PRESIDENT

VICE-PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with