Purisima iniimbestigahan na – Ombudsman

MANILA, Philippines – Gumugulong na ang imbestigasyon kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima, ayon sa Office of the Ombudsman ngayong Lunes.

"The office is already probing the matter," wika ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Sinabi pa ni Morales na titignan din niya ang resulta ng imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa umano'y tago at kuwestiyonableng yaman ni Purisima.

"The investigators shall study it as soon as the report is received," dagdag niya.

Nagsimula ang imbestigasyon ng Ombudsman matapos may mag sampa ng reklamo kay Purisima noong Hunyo 25.

Naghain na rin kasong pandarambong ang Volunteers Against Crime and Corruption nitong Setyembre

Show comments