'Pinas hindi 100% handa sa Ebola

MANILA, Philippines – Aminado ang Department of Health (DOH) na hindi 100 porsiyentong handa ang Pilipinas sa pagsugpo sa Ebola virus.

"We are not 100 percent ready but if you compare the Philippines with the other countries, we are better prepared," pahayag ni Health Undersecretary Janette Garin sa ABS-CBN news ngayong Lunes.

Bilang paghahanda ay naglaan ng P500 milyon ang DOH para sa pag-upgrade ng laboratoryo ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) upang malabanan ang Ebola kung aabot ito sa bansa.

Nakahanda ang RITM, Lung Center of the Philippines at San Lazaro Hospital bilang Ebola centers.

Samantala, nagsagawa naman ng kilos protesta ang mga tauhan ng Lung Center dahil anila ay hindi sila handa sa Ebola.

"Again, it boils down to fear and panic complicate the whole situation," paliwanag ni Garin.

Show comments