Trabaho sa Gabinete hindi ‘toxic’
MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na masyadong ‘toxic’ ang magtrabaho sa Gabinete ni Pangulong Aquino kaya nagkakasakit ang ilang opisyal nito.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nagbakasyon lamang ng 1 buwan si Health Sec. Enrique Ona upang magpahinga mula Oct 8-Nov. 27.
Magugunita na nagbitiw din noon sa kanilang puwesto sina dating DOTC Sec. Jose de Jesus, Tourism Sec. Albert Lim, NDRRMC executive director Benito Ramos at NFA Administrator Arthur Juan dahil sa ‘health reasons’.
Wika pa ni Lacierda, hindi dapat bigyan ng kulay ang ginawang pagbabakasyon ni Sec. Ona kasabay ang pagtanggi na mayroong ‘exodus’ ng pagbibitiw sa gabinete ng Pangulo. Aniya, mismong si Pangulong Aquino ang umamin noon na mahirap talagang kumuha ng mga mabubuti at mahuhusay na opisyal ng gobyerno.
- Latest