^

Bansa

'Binay dummy' naghain ng hindi notaryadong papeles sa Senado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang patunayan na siya ang tunay na nagmamay-ari ng "Hacienda Binay" naghain ng papeles ngayong Huwebes ang sinasabing "Binay Dummy" sa pagdinig ng senado.

Ayon kay Sen. Aquilino Pimentel III ipinasa ng negosyanteng si Antonio Tiu sa Senate Blue Ribbon Sub-Committee ang isang-pahinang kasunduan ganap na 9:22 ng umaga.

Nakasaad sa kasunduan na binili ni Tiu sa isang Laureano Gregorio ang kontrobersyal na lupain sa Rosario, Batangas na sinasabing pagmamay-ari talaga ng mga Binay.

Ngunit hindi notaryado ang naturang papeles.

"This is a standard practice. This is not the first time that I have entered into an agreement based on a one-page memorandum of agreement," paliwanag ni Tiu.

Inamin din ng negosyante na wala siyang deed of sale at iba pang papeles na magpapatunay na nabili niya talaga ang 350-hektaryang lupain.

Bigong mapaniwala ni Tiu ang mga senador nitong nakaraang linggo kaya naman nagdala siya ngayon ng papeles.

Nauna nang sinabi ng negosyante na "usufruct" ng lupa ang kanyang nabili o ang karapatang magamit ang lupa.

"I'm the owner over the rights," pahayag noon ni Tiu. "Magiging owner din po tayo."

Handa aniya rin siyang makulong kung mapapatunayang nagsisunungaling siya.

ANTONIO TIU

AQUILINO PIMENTEL

AYON

BATANGAS

BIGONG

BINAY DUMMY

HACIENDA BINAY

LAUREANO GREGORIO

SENATE BLUE RIBBON SUB-COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with