Bigas sapat ngayong holiday

MANILA, Philippines - Tiniyak ng National Food Authority (NFA)  na may sapat na bigas ang bansa hanggang sa pagsapit ng holiday season.

Ito ayon kay NFA information director Rex Esto­perez ay dahil umaabot sa 500,000 metric tons ng bigas ang imbak ng ahensiya na magagamit hanggang sa katapusan ng 2014 .

Ang mga imbak na bigas ay mula sa mga inaning palay ng mga local farmers at sa mga inimportang bigas mula sa Vietnam at Thailand.

Anya, nitong October 15, unang dumating sa bansa ang 200,000 metriko tonelada ng imported rice habang ang karagdagang 200,000 toneladang bigas ay darating naman sa November 15 at sa December naman ay darating ang imported rice na 100,000 metric tons.

Bunga nito, sinabi ni Estoperez na kahit na magkaroon ng kalamidad sa bansa hanggang pasko ay hindi kukulangin sa suplay ng bigas ang bansa at wala ring dahilan para magtaas ang presyo nito.

Show comments