MANILA, Philippines - Nakatanggap ng iba’t ibang pagkilala at parangal ang Legazpi City matapos itong mapili ng Galing Pook Award ngayon taon.
Napili rin ang nasabing lungsod na isa sa tatlong pinakamagandang siyudad para tirahan sa buong bansa at tinawag na “Governance Trailblazer“ award ng Institute for Solidarity in Asia(ISA) na isang non-government organization na isinusulong ang adbokasiyang good governance.
Ayon kay Mayor Noel Rosal na ang nasabing awards ay source of pride at inspiration ng mga taga Legazpi City dahil ang lokal na pamahalaan ay patuloy na nagtatrabaho para maisulong ang misyon nito na i-promote ang inclusive economic growth at sustainable development.
Personal na tinanggap ni Rosal sa ngalan ng Legazpi City ang Galing Pook Award para sa Ten Most Outstanding Local Governance Programs 2014 na ginanap sa Manila Hotel noong Oktubre 21.
Ang Legazpi City Grand Central Terminal ay tinawag na “Profitable Public-Private Partnership” at kinilala rin dahil sa natatanging proyekto na PPP na napatunayan ng epektibong dahil sa implementation ng high-end development projects sa lokalidad.