^

Bansa

Integration ng terminal fees iimbestigahan ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon kahapon ni Senator Koko Pimentel ang pagpapatupad ng integration ng terminal fees sa airline tickets sa pagpasok ng Nobyebre 1 dahil dapat ay exempted dito ang mga overseas Filipino workers.

Nagbabala si Pimentel sa Department of Transportation and Communications (DOTC) at Manila International Airport Authority (MIAA) sa gagawing pagpapatupad ng MIAA Circular No. 08.

Ayon kay Pimentel, lalabag ito sa kasalukuyang batas na nag-e-exempt sa mga OFWs sa pagbabayad ng nasabing fees.

Sinabi ni Pimentel na hindi makakatulong para mawala ang mahabang pila sa mga paliparan dahil kinakailangan pa muling pumila ng mga OFWs para i-refund ang sisingilin sa kanilang terminal fees.

Dapat aniyang ibasura ang kautusan na maituturing na”illogical, legally questionable at extremely unfair” para sa mga OFW.

Sa ilalim ng MIAA Circular No. 08, ang terminal fees na tinatawag ding international passenger service charge (IPSC) na nagkakahalaga ng P550 bawat pasahero ay isasama na sa air tickets na ire-remit naman ng mga international airlines sa MIAA.

Sa mga OFW na bibili ng tickets sa loob ng bansa, maari silang hindi magbayad ng terminal fees kung maipapakita ang kanilang overseas employment certificate (OEC) na ibinigay ng POEA pero para sa ticket­s na bibilhin ng mga OFW sa online o sa labas ng bansa, papatawan sila ng IPS at ire-refund na lamang sa mga de­signated counters o sa MIAA office­ pag nakabalik na ng Pilipinas­.

Balak ni Pimentel na magpatawag ng imbes­tigasyon upang mabig­yang linaw ang nasabing memo­randum lalo pa’t iginiit ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa kanyang sulat kay DOTC Sec­retary Joseph Abaya na dapat ay automatic ang pag-e-exempt sa pagbabayad ng terminal fees ng OFWs.

AYON

CIRCULAR NO

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JOSEPH ABAYA

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

SENATOR KOKO PIMENTEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with