^

Bansa

Graft at plunder Drilon kinasuhan sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan ng pa­tung-patong na kaso sa Ombudsman si Se­nate President Franklin Drilon dahil sa umano’y ma­anomalyang pagpa­patayo sa Iloilo Convention Center.

Sa reklamo ni Manuel Mejorada, dating provincial administrator ng Iloilo­, si Drilon umano ang nasa likod ng overpriced convention center.

Ayon kay Mejorada, sobra ng P488 milyon ang ginastos sa con­vention center na dapat ay P192 milyon lamang. Kumpleto anya siya ng mga ebidensyang magpa­patunay dito.

Ang Hilmarc’s Cons­truction Corp., ang contractor ng Makati parking building, ang siya ring gumawa ng Iloilo Convention.

Kasama ring kina­suhan sina Tourism Sec­retary Ramon Jimenez, Public Works Secretary Rogelio Singson, re­gional director ng DPWH Iloilo at ang chairman ng bids and awards committee.

Bukod sa graft at plunder, kinasuhan din ang mga nabanggit ng malversation of public funds, paglabag sa procurement law, dis­honesty at grave misconduct.

Naniniwala rin ang complainant na ga­ling sa sariling bersyon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Drilon ang pondo.

Nabatid na sinimulan ang konstruksyon ng convention center noong Disyembre 2013 at naka­takdang matapos sa Marso 2015.

 

ANG HILMARC

DRILON

ILOILO

ILOILO CONVENTION

ILOILO CONVENTION CENTER

MANUEL MEJORADA

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

PUBLIC WORKS SECRETARY ROGELIO SINGSON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with